Doon na sumabog ang bulkan.


Tumingin si Gary sa bintana. Nasa 4th Floor sila. Kung tatalon siya, siguro bali lang ang aabutin niya, hindi patay. Pinag-isipan niya talagang tumalon. Mas gugustuhin pa niyang harapin ang semento kaysa sa galit ng biyenan niya.

“L-labandera?!” ulit ni Mommy Rose.

Pumasok si Mommy Rose sa kwarto. Hindi siya sumigaw. Ibinagsak niya ang master key card sa mesa.

“Gary,” sabi ng biyenan. “Huwag kang tatalon sa bintana. Sayang ang insurance, hindi macocover ang stupidity.”

Kinuha ni Mommy Rose ang radyo niya sa bewang.

“Security, proceed to Room 402. May dalawang unregistered pests dito. Paki-escort palabas. Ngayon na.”

“M-Mommy, explain ko lang po—” lumuhod si Gary, halos humalik sa sapatos ng biyenan.

“Wag mo akong ma-Mommy-Mommy! At ikaw babae,” turo kay Trixie. “Magbihis ka. Ang cheap ng tela ng tuwalya namin para isuot ng cheap na katulad mo.”

Habang nagbibihis nang nanginginig ang dalawa, kinuha ni Mommy Rose ang cellphone niya.

Video Call kay Sheila.

“Hello, Ma?” sagot ni Sheila sa kabilang linya, may karga pang baby.

“Anak,” ngiti ni Mommy Rose sabay harap ng camera kay Gary na umiiyak sa sulok. “Tignan mo kung sino ang nahuli kong ‘nagse-seminar’ dito. Kasama ang assistant niya.”

Nanlaki ang mata ni Sheila sa screen. “Gary?! Walanghiya ka!”

Pagkatapos ng tawag, hinarap ni Mommy Rose si Gary.

“Yung bill ng Room Service, i-cha-charge ko sa card mo. Yung Early Checkout Fee, charge din sa’yo. At yung annulment niyo ng anak ko? Ikaw din ang magbabayad.”

Dumating ang security. Kinaladkad palabas si Gary at Trixie habang pinagtitinginan ng ibang guests sa hallway.

Si Mommy Rose, naiwan sa kwarto. Kinuha niya ang wine na in-order ni Gary. Binuksan niya ito, nagsalin sa baso, at uminom nang mapayapa.

“Hmm. Masarap nga,” bulong niya. “Lasang hustisya.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *