Pag-uwi niya sa probinsya, pumunta sila ni Mang Temyong sa pisonet upang tingnan ang resulta. Nanginginig ang kamay ni Paolo habang nagta-type.
“Loading pa po, Tay…”
Paglabas ng listahan, hinanap ni Paolo ang pangalan niya sa List of Passers.
Macaspac…
Madlangbayan…
Magtanggol…
Wala ang “Manansala.”
Nanlamig si Paolo. Napatingin sa tatay niya. “Tay… wala po… hindi ako pumasa.”
Bumagsak ang balikat ni Mang Temyong pero pinilit ngumiti. “Okay lang ’yan, anak. Baka sa susunod…”
Akmang aalis na sila nang biglang sumigaw ang bantay ng computer shop.
“Uy Paolo! Tanga ka ba? Ba’t d’yan ka tumitingin?! Check mo ’yung Top Notchers!”
Kinlick ni Paolo ang Top 10.
At sa pinaka-una…
RANK 1: PAOLO S. MANANSALA – 98.80%
Natulala si Paolo. Natulala si Mang Temyong. Paulit-ulit nilang binasa — hindi panaginip.
“Tay…” bulong ni Paolo.
Pero bumigay ang tuhod ni Mang Temyong. Napaluhod siya sa sahig ng computer shop at humagulgol.
“TOP 1 ANG ANAK KO! LORD, SALAMAT! SULIT ANG PAGKAWALA NI LUNTIAN! SULIT ANG PAGOD KO!”
Lumuhod din si Paolo at niyakap ang ama. Nag-iyakan silang mag-ama sa gitna ng shop.
“Engineer ka na, anak… at Top 1 ka pa,” iyak ng ama.
“Dahil sa inyo ’to, Tay.”
Ilang linggo ang lumipas, naging balita sila sa TV. Maraming kumpanya ang nag-agawan kay Paolo. Sa kanyang signing bonus, hindi bahay o kotse ang una niyang binili…
Isang brand new na tricycle. Kulay ginto. May nakasulat sa likod:
“KATAS NG TOP 1.”
Inabot niya ang susi kay Mang Temyong.
“Tay… hindi niyo na kailangang magpagod. Ako na ang bahala sa lahat.”
Niyakap ni Mang Temyong ang bagong tricycle — pero mas mahigpit ang yakap niya sa anak na bunga ng kanyang sakripisyo.
