HINAGIS KO YUNG TUNGKOD NI LOLA SA BUBONG NAMIN DAHIL GINAGAMIT NIYA YUN NA P4MAL0 SAKIN PAG DI AKO NATUTULOG NG TANGHALI

HINAGIS KO YUNG TUNGKOD NI LOLA SA BUBONG NAMIN DAHIL GINAGAMIT NIYA YUN NA P4MAL0 SAKIN PAG DI AKO NATUTULOG NG TANGHALI

Ako si Junjun, 7 years old, at certified na hindi inaantok tuwing tanghali.

Habang ang ibang bata tulog na, ako gising na gising, naglalaro ng teks, nagbibilang ng butiki sa pader, at nag-iisip kung bakit kailangan matulog kung hindi naman inaantok.

Pero may kalaban ako. Isang malaking kalaban.
Si Lola… at ang kanyang tungkod ng hustisya.

Tuwing alas-dose ng tanghali, automatic na yan. Lalabas si Lola sa kwarto, hawak ang tungkod na parang espada ng ninja.

“JUNJUN! MATULOG KA NA!”

Sasabihin ko, “La, hindi pa po ako inaantok.”

At kasunod nun p4lo ang inaabot konsa tungkod niya.

Hindi malakas ha, pero sapat para maalala kong hindi ako pwedeng makipagdebate sa taong may lisensya mangp4lo.

Isang araw, napuno na ako. Nagkunwari akong iihi. Pagdaan ko sa sala, nakita ko yung tungkod niya… nakasandal lang sa pader, parang walang kamalay-malay na isa siyang instrumento ng pananakit.

Tiningnan ko yung bubong namin. Tiningnan ko yung tungkod. Tiningnan ko ulit yung bubong.
At sa utak ko… Mission: Impossible.

Dahan-dahan kong kinuha. Tahimik. Parang magnanakaw sa pelikula. Pagdating ko sa bintana, huminga ako nang malalim…

WHOOSH!

Lumipad yung tungkod. Tumama sa bubong.
At doon na siya nanirahan. Feeling ko panalo na ako. Wala nang pamalo. Wala nang matutulog. Freedom!

After 10 minutes, lumabas si Lola.

“JUNJUN, NASAAN NA YUNG TUNGKOD KO?”
Bigla akong pinagpawisan.

“Ehh… La… nagbakasyon po.”

Tahimik siya. Tumingin sa bubong. Nakita niya yung tungkod na nakahiga, parang may sariling bahay na.

Tumingin siya sakin. Hindi siya nagsalita.
Ngumiti lang siya. Kinabukasan, bumili siya ng walis tingting.

Mas mahaba. Mas flexible. At mas masakit.

Simula noon, natutulog na ako ng tanghali…
Hindi dahil inaantok ako… Kundi dahil gusto ko pang m4buhay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *