Sa Kanto ng Barangay Maton, walang dumadaan na hindi yumuyuko. Ito ang teritoryo ng grupong “Bakal Boys,” na pinamumunuan ni Brando.
Si Brando ay anim na talampakan ang tangkad, puno ng tattoo ang braso, may peklat sa kilay, at laging nakasimangot. Kapag siya ang naglalakad, pati mga aso tumatahimik.
Isang hapon, habang nag-iinuman ng Coke at Gin ang tropa sa gilid ng kalsada, biglang may humintong motor sa tapat mismo nila.
SKRRRRRT!
Isang Lalamove Rider ang humarang sa view nila.
Napatayo ang kanang-kamay ni Brando na si Bogs.
“Hoy!” sigaw ni Bogs. “Anak ng tokwa! Hindi mo ba kami kilala?! Ba’t ka humaharang sa harap ni Boss Brando?! Gusto mo bang magasgasan ‘yang mukha mo?!”
Nanginginig ang rider. Dahan-dahan niyang tinanggal ang helmet. Namumutla siya. Pinalibutan siya ng limang lalaking mukhang kumakain ng bognat sa almusal.
“S-Sir… Pasensya na po… May delivery lang po…” nauutal na sabi ng rider.
“Delivery?!” bulyaw ni Bogs. “Wala kaming inorder na pizza! Layas bago ko pa—”
“Teka,” pigil ni Brando. Ang boses niya ay parang kulog—mababa at nakakatakot. Lumapit siya sa rider. “Anong delivery ‘yan? Droga ba ‘yan? Baril?”
“H-Hindi po Boss…” sabi ng rider. “Item po galing sa Gift Shop.”

Binuksan ng rider ang malaking thermal bag sa likod ng motor. Lahat ng siga ay nakadungaw, handa nang makakita ng kontrabando.
Dahan-dahang inilabas ng rider ang laman.
Isang 3-feet na Pink Hello Kitty Stuffed Toy.
Sobrang laki ng ulo. Sobrang pink ng ribbon. At may hawak itong puso na nakasulat na “I Love You.”
Tumahimik ang buong kanto.
Si Bogs, na akmang susuntok sana, ay napanganga.
Page: ⒸSAY – Story Around You | Original story.
Ang mga tambay na nanonood ay napatigil sa paghinga.
Tumingin ang rider sa kanyang cellphone.
“Para kay… Sir Brando?” tanong ng rider. “Kayo po ba si Sir Brando? Inorder niyo po ito para daw po kay…”
Binasa ng rider ang note.
“…Para daw po kay Nene, ang pinakamagandang tindera ng isaw sa balat ng lupa.”
Lahat ng mata ay lumipat kay Brando.
Ang siga ng Tondo. Ang kinatatakutan ng lahat.
Biglang namula ang mukha ni Brando. Mas mapula pa sa ribbon ni Hello Kitty.
“B-Boss?” tanong ni Bogs. “Sa’yo ‘to? Hello Kitty? Akala ko ba Pitbull ang gusto mo?”
“Tumahimik kayo!” sigaw ni Brando, pero basag ang boses niya sa hiya. “Akin na nga ‘yan!”
Hinablot ni Brando ang dambuhalang Hello Kitty.
Dahil sa laki nito, natakpan ang kanyang mga tattoo. Ang itsura niya ngayon: Isang maskuladong lalaki na may peklat, yakap-yakap ang isang cute na manika.
Huminga nang malalim si Brando. Humarap siya sa kabilang kalsada, kung saan naroon ang ihawan ni Nene.
Si Nene ay simple, masipag, at matagal nang crush ni Brando. Pero dahil torpe ang siga, dinadaan niya sa tingin. Ngayon, nag-ipon siya ng lakas ng loob (at pera) para dito.
Naglakad si Brando papunta kay Nene. Ang mga siga sa likod, na kanina ay galit, ngayon ay kinikilig na.
“Go Boss! Banatan mo!” bulong ng mga tropa.
Pagdating sa tapat ng ihawan, natulala si Nene. Hawak niya ang tong at suka.
“B-Brando?” gulat na tanong ni Nene. “Bakit may… may pusa kang dala?”
Inabot ni Brando ang Hello Kitty. Nanginginig ang kamay ng siga.
“Nene…” seryosong sabi ni Brando. “Para sa’yo. Kasi… kasi…”
“Kasi ano?”
“Kasi, kahit mukha akong bulldog, kapag nakikita kita, para akong Hello Kitty… lumalambot ang puso ko.”
BOOM!
Naghiyawan ang buong barangay!
“AYIEEEEEEE!!!”
Ang mga Marites sa bintana, nagpalakpakan. Ang mga tricycle driver, bumusina nang sabay-sabay. Si Bogs at ang mga tropa, nagtatalon sa tuwa na parang nanalo sa lotto.
Si Nene, na pulang-pula na rin, ay napangiti. Kinuha niya ang Hello Kitty at… niyakap niya rin si Brando (kahit saglit lang).
“Siraulo ka talaga, Brando,” kinikilig na sabi ni Nene. “Salamat ha. Ang cute.”
“Libre na ba ang isaw ko?” tanong ni Brando, nagpapa-cute.
“Oo na! Unli-isaw ka na sakin!”
Mula noon, hindi na lang takot ang nararamdaman ng mga tao kay Brando. Tuwing nakikita siya sa kanto na tumatambay, alam nilang sa likod ng tattoo at angas, may isang pusong pink na tumitibok para sa kanyang Isaw Queen.
