HABANG BAGONG PANGANAK AKO BINEBENTA NA PALA NG PINSAN KO ANG MGA GAMIT SA BAHAY DAHIL AKALA NIYA HINDI KO NA YUN GINAGAMIT….
Hi everyone. I want to share my story nung kakapanganak ko lang. I’m single mom by the way.
Tawagin niyo na lang akong Agnes, 29 years old. I have stable job kaya hindi problema ang money saken.
Dalawang linggo pa lang akong bagong panganak noon. Emergency CS. Hindi pa tuyo ang tahi, hindi pa humuhupa ang sakit. May mga gabing umiiyak ako hindi lang dahil sa puyat, kundi dahil bawat pagtayo ko sa kama parang h’n’h’wa ulit ang tiyan ko ng malamig na kuts’ly.().
Mag-isa ako dahil hindi rin naman ako tinutulungan ng mga parents ko. Walang asawa sa bahay. Kaya kahit labag sa loob ko, humingi ako ng tulong sa pinsan ko na si Mabel.
Pinatira ko siya sa bahay namin para tumulong habang nagpapagaling ako at para may kasama akong mag-alaga sa anak ko. Ngayon ay 3yrs old na.
May sahod siya saken mga 9k a month yun pero free na lahat lahat.
Saglit lang dapat ang pakiusap ko kahit hanggang 4months lang siya. Habang nagpapagaling ako sa sugat.
May pagkain pa ako mismo ang naggo-grocery.
Libre ang kuryente, tubig, Wi-Fi. Lahat.
Ang malinaw na usapan:
tumulong sa bahay, magbantay ng baby at panatilihing tahimik ang bahay.
Pero habang ako’y hirap bumangon pa noon, unti-unting nabasag ang katahimikan sa bahay.
Araw-araw may bisita na siya sa bahay, hindi siya nagpapaalam saken. Gabi-gabi may inuman kasama ang mga barkada niya.
May mga lalaking hindi ko kilala na bigla na lang nasa sala ko habang nagpapa$u.§() ako sa kwarto.
Ang bahay na dapat ligtas at tahimik para sa recovery ko at sa bagong silang kong anak, naging parang boarding house na walang oras ng pahinga.
Pagkabangon ko one time at pagpunta ko sa kusina, halos wala nang laman ang ref kakagrocery ko lang na wala pang 3days. Yung mga pagkain na pinag-ipunan ko, nawala na lang na parang usok walang bakas, walang paliwanag. Makalipas ang ilang araw, tuluyan pang nasira ang ref dahil sa maling paggamit ni Mabel.
Imbes na nakapagpahinga ako, problema pa ang nakuha ko.
Dumating din ang mga bayarin ng kuryente, tubig doble sa dati. Hindi ko alam kung bakit. Ako na nga ang bagong opera, ako pa ang nagaalala kung paano ko hahabulin lahat ng gastos.
Pero ang pinakamasakit, doon ko lang nalaman nang tuluyan na akong nakakalakad nang kaunti.
May mga gamit akong nawawala.
Una, speaker. Sunod, blender.
Hanggang sa napansin ko wala na rin ang branded shoes ko.
Nang tanungin ko si Mabel, parang wala lang sa kanya.
Ang sabi niya:
“Ah, binenta ko online. Akala ko kasi hindi mo na ginagamit.”
Hindi ako makapagsalita. Hindi ako pwedeng magalit ng sobra at baka mabinat ako.
Kakapanganak ko lang. Hirap akong kumilos, hirap mag-isip, hirap bumawi. Pakiramdam ko noon parang bahay na bukas ang pinto kahit sino puwedeng pumasok at kumuha.
Nang siningil ko siya at tinanong kung bakit niya ginawa iyon nang walang paalam, ang sagot lang niya:
“Hindi mo naman sinabi na bawal. Nagastos ko na yung pera ate.”
Sobra na talaga yung ugali niya. Para akong sasabog na bulkan pero pinipigilan ko.
Habang mahina ako, may mga taong lalakas ang loob na abusuhin ka, parang alam nilang hindi ka makakatayo para lumaban.
At minsan, hindi sila estranghero.
Minsan, pamilya pa.
3 months palang nun pinalayas ko na siya.
At bago siya umalis.
Kinompleto ko ang listahan ng lahat ng nawalang gamit ko.
May presyo at resibo. Sinabihan kong dapat bayaran niya yun kung hindi magbabarangayan kami.
Hindi ko siya siniraan. Hindi ko siya pinahiya. Pero sinabi ko ang totoo sa mga taong nagtatanong kung bakit hindi na siya welcome sa bahay namin.
Hindi na siya bumalik. Yung kasulatan namin binabayaran nalang niya thru jkas. Alam na din ng mga magulang niya yun.
Ngayon, hindi pa rin perpekto ang buhay ko.
May tahi pa rin. May pagod pa rin.
Pero kailangan lumaban.
Natutunan ko ang pinakaimportanteng aral bilang isang ina at bilang isang babae:
Mas mahalaga ang kapayapaan kaysa sa awa.
Mas mahalaga ang boundaries kaysa sa dugo.
At hindi lahat ng tinatawag na pamilya, karapat-dapat manatili sa buhay mo.
Balang araw, sigurado ako na makakahanap din ako ng taong tatanggap saken ng buo at tutulong saken na hindi ako aabusuhin.
