NILAGAY KO ANG APAT NA MABAHONG MEDYAS KO SA UNIFORM NG KAROOMMATE KO…..

NILAGAY KO ANG APAT NA MABAHONG MEDYAS KO SA UNIFORM NG KAROOMMATE KO…..

Bilang college student na nagrerent ng boarding house, may mga bagay kang hinahayaan araw-araw hanggang sa mapansin mong ikaw na lang pala ang nag-aadjust. At minsan, sa sobrang sanay mong manahimik, may gagawin ka na lang bigla ng walang paalam.

Hi Ambenture..

Itago mo na lang ako sa pangalang Penelope, 23 years old, fourth year college, staying sa isang all-girls dorm dito sa Baguio City.

Alam naman nating lahat malamig dito lalo na January-first week of February.

May roommate ako, let’s call her Cecil. Dugyot siya. Hindi yung “makalat lang kasi pagod.” Kundi yung makalat na parang wala talagang pakialam sa paligid. Dalawa lang kami sa room.

Yung uniform niya, kung saan inabutan ng antok, dun niya isasabit. Yung br@ niya minsan nasa doorknob. Yung p@nty niya minsan nasa likod na ng upuan ko.

Never akong nagrereklamo.
Hindi ako nagsusumbat sa kanya.

Tahimik lang ako kasi okay naman siya burara nga lang, kahit yung kwarto namin unti-unting nagiging extension ng kalat niya, parang amag na dahan-dahang kumakalat sa pader.

Ang pinakaayaw ko lang simula nung pumasok ang January 2026.
May palagi siyang reklamo siya sa’kin.

Pasmado kasi ako. As in legit. Kahit bagong laba yung medyas ko, once magsapatos na ako ng 8AM hanggang 5PM straight whole day class automatic, kumakapit talaga yung amoy ng paa. Kahit anong laba, kahit anong sabon. Ganun talaga. Mabaho talaga yung paa ko, yung buong kwarto namin. Ang baho hindi ko naman ikakaila yun.

Lagi niya akong sinasabihan:
“Penelope, ang baho ng medyas mo.”

“Amoy paa lagi. Ano ba yan.”

“Nilalabhan mo ba talaga yan?”

Kahit alam kong wala naman akong ginagawang mali ganun lang talaga ang paa ko. Iritang irita talaga ako sa mga sinasabi niya saken about sa mabaho kong paa.

Hanggang dumating yung Laba day niya kahapon.

Nilalabhan ni Cecil yung uniform niyang white, tapos nagpaparinig pa about sa step by step process ng paglalaba parang siya mismo gustong patunayan na malinis siya as a person.

Tapos bigla siyang lumabas para bumili ng Downy, parang kulang daw.

At dun sumagi sa isip ko.

Nakita ko yung binababad niyang uniform.
At nakita ko yung apat kong medyas yung ginamit ko buong linggo, buong araw, buong pawis.

Hindi na ako nag-overthink.
Isiningit ko yung apat na medyas ko sa uniform niyang nilalabhan habang nasa labas siya.

Parang sinadya ng pagkakataon na perfect timing for revenge.

Pagbalik niya, itutuloy na sana niya yung laba.
Pero bigla siyang tumigil.

“Grabe… ang baho ng uniform ko.”

Hindi lang basta baho.
Amoy paa. Amoy pagod. Amoy buong araw na nakakulong sa sapatos.
Parang may sumigaw na tsinelas sa loob ng uniform niya.

Kinabahan siya.
Kinalkal niya yung labahin niya.
Hanggang sa makita niya…

Yung apat kong medyas.

Diretso niya akong kinompronta.

“Penelope, bakit nandito medyas mo?!”

Tumingin lang ako sa kanya.
Tapos sabi ko, “Hindi ko alam. Bakit ba nilalabhan mo ang medyas ko tapos magrereklamo kang mabaho ang paa ko.”

Nag-deny ako.

“Bakit mo pinapakialaman gamit ko?”

“Hindi naman kita pinapakialaman kahit ang burara mo.”

Wala naman siyang proof na ako ang nagsingit ng mga medyas. Nilagay niya lang sa tabo yung apat na medyas ko.

Isang oras niyang binabad at nilabhan ulit yung uniform niya.
Paulit-ulit niya piniga yung tela—parang sinusubukan niyang pigain hindi lang yung amoy, kundi yung inis niya saken.

Kumapit kasi talaga yung amoy ng medyas ko sa uniform niya.

Hindi ako nagsorry sa kanya.
Hindi rin ako proud sa ginawa ko.

Pero for the first time talaga na ginawa ko yun. Ang Sama kong karoommate.

Siguro yun lang talaga ang way para matuto ang mga burara.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *