DESERVE NG ATE KO ANG PAGOD AT KAMALASAN NIYA NGAYON……

DESERVE NG ATE KO ANG PAGOD AT KAMALASAN NIYA NGAYON……

Please call me Ava (27F), taga-Iloilo. Mas bata ako sa ate ko na si Cindy (33F), pero mas nauna akong nag-asawa. Six years na kami ng asawa ko na si Jared (30M) isang Public Teacher. May dalawa na kaming anak isang grade schooler at isang toddler.

Maaga kaming nagpakasal ni Jared at hanggang ngayon masasabi kong tama ang pinili kong lalaki. Pantay kami sa lahat ng trabaho, bahay at parenting. Hindi ko naramdaman ang pagod bilang isang ina. Kapag pagod ako, sasalo siya. Kapag siya ang down, ako ang aayos ng lahat. Walang role na pang-lalaki o pang-babae. Basta kung kayang gawin, ginagawa namin pareho.

Ngayon, tungkol ito sa ate ko. Ramdam ko na, na may problema siya sa kahit anong bagay na ikinasasaya ko. Kapag may magandang nangyayari sa buhay ko, parang kailangan niyang patunayan na mas magaling siya. Hindi siya marunong maging masaya para sa akin lahat nagiging kumpetisyon. At kapag napuno ako at pumatol, ako pa ang pinapalabas niyang masama.

Dinala niya ang ugaling ’yan hanggang sa nag-asawa ako. Simula pa lang, hindi na niya gusto ang asawa ko. Kesyo “masyadong mabait,” “masyadong sunod sunoran,” at “hindi raw lalaki.” Lagi niyang sinasabi na ang lalaking marunong sa gawaing-bahay ay may kulang sa pag-iisip. Na ang tunay na lalaki, hindi raw nagpapalit ng diaper, hindi nagluluto at hindi nakikialam sa pagpapalaki ng anak dahil trabaho raw ’yon ng babae. Ilang beses niya pa akong sinabihan na mukha raw akong single mom kahit may asawa, at siguro raw ganyan lang ako kasi wala akong mas magandang choice. Masama talaga ugali ng kapatid ko. Walang kasing sama. Kaya siguro ngayon sinisingil na siya ng karma.

Last year lang siya ikinasal. Sobrang proud siya kasi nakuha niya raw ang “real man” na gusto niya, Yes mayaman yung napangasawa niya at Professional pero palautos at ayaw magpakababa sa gawaing-bahay. Para sa kanya, panalo siya. Ako raw ang talo.

Fast forward to January this year nanganak siya. At halos agad-agad, bumagsak sa kanya ang realidad.
Ang asawang pinagmamalaki niya? Hindi marunong mag-alaga ng baby. Ayaw magpalit ng diaper kahit once manlang. Ayaw magbantay mag-isa. Ayaw gumising sa gabi. Kahit makaligo man lang siya nang tahimik, hindi niya magawa. Isang beses, kami pa ng asawa ko ang nagbantay ng baby niya habang may lakad siya sa SSS samantalang ang asawa niya nasa bahay lang, nanonood at naglalaro lang ng PS5.

Last Sunday birthday ni Mama bumisita kami lahat, nagkataon na ang asawa niya dumiretso agad sa kwarto nakaupo lang sa loob nagce-cellphone. Ang asawa ko naman nasa labas, nakikipaglaro sa mga bata kasama ang dalawa naming anak.
May pahaging na naman siya: “Ang weird ng asawa mo, parang hindi lalaki.” Tapos sinita pa ako dahil nagpapahinga raw ako habang ang asawa ko ang nag-aalaga sa mga anak ko.

Nagsumbong pa siya kay Mama, dahil nahihirapan na siyang magalaga sa anak niya at ako pahinga lang daw ng pahinga.

Sinabi ko sa kanya,
“Ate Cindy, ilang taon mo akong minamaliit noon. Pinagtawanan mo nga ang lalaking may respeto. Ngayon, nararanasan mo ang gusto mo at pinapangarap mo. Ang lalaking mayaman pero tamad at hindi ka naman tinutulungan. Mas malas ka ata sa asawa mo kesa saken. I think you deserve it, karma hits you so bad.”

Nag-walk out siya. Galit ang nanay ko sa akin. Sinabihan akong insensitive at dapat daw mas maunawain ako dahil kakapanganak lang niya.

Pero pagod na akong maging tahimik.
Tinulungan ko na siya. Kinausap ko na siya nang maayos noon pa. Hindi niya pinakinggan. Ang ginawa niya lang ay maliitin ang pamilya ko at iparamdam sa akin na mali ang buhay na pinili ko.
Hindi ko kasalanan na ang ideal niya sa asawa ay naging bangungot niya sa totoong buhay. At hindi ako masama dahil pinili kong ipagtanggol ang sarili ko at ang pamilyang binuo ko.

Hindi lahat ng pagod ay dahil sa motherhood. Minsan, pagod ka kasi you married the wrong person.
Akala niya strength ang pagiging mayaman, pero sa totoong buhay, strength ang presence, respect at responsibility. Kuripot nga ang napangasawa ng ate ko, kahit yaya ayaw niyang bayaran.

Hindi ko ipinagmayabang ang relasyon ko.
Pero hindi ko rin hahayaang maliitin ang pamilya ko para lang may masabing panalo siya.
Some choices look good on paper. Reality is louder.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *