KAPITBAHAY KONG SENIOR SINABIHAN AKONG UMIINIT DAW ANG PANAHON PAG NAGCHACHARGE AKO NG LAPTOP AT PINAGBAWALAN PA AKONG MAGLUTO NG ADOBO….

KAPITBAHAY KONG SENIOR SINABIHAN AKONG UMIINIT DAW ANG PANAHON PAG NAGCHACHARGE AKO NG LAPTOP AT PINAGBAWALAN PA AKONG MAGLUTO NG ADOBO….

Hi Ambenture please pakipost naman ito para maginhawaan ako. Gusto ko lang mabasa ang mga sasabihin ng mga readers.

Tawagin niyo na lang akong Andi, 23 years old, work-from-home. Nakatira ako sa isang maliit na apartment na dikit-dikit ang mga pader tipong rinig mo pati alarm ng kapitbahay.

Katabi ng unit ko ang apartment ni Lola Luz, isang senior citizen na kilala sa lugar dahil mahilig siya sa herbal teas, energy cleansing, at mga paliwanag na parang laging may invisible seminar. Dati kasi siyang Public Teacher.

January pa nga lang sa Pilipinas, Pero sa lugar namin medyo mainit parin. Kahit nakaupo ka lang, pinagpapawisan ka na.

Nung nakaraang gabi, nasa shift ako naka open yung laptop yung charger ko nakasaksak, utak ko pagod tapos biglang may kumatok. Sinilip ko nakita ko si Lola Luz. May hawak na tsaa at seryosong mukha.

Nakita niya yung laptop at mga cellphone ko nakacharge.

Diretso niyang sinabi na napapansin daw niya na every time naka-charge ang laptop ko, mas umiinit ang paligid. Hindi lang daw sa unit niya, kundi sa buong barangay. According to her, ang electronics ay may heat vibration na nag-a-add sa init ng mundo. Kaya raw ganito na ang panahon ngayon.

Hindi raw dahil sa El Niño. Hindi raw climate change. Laptop ko raw.

Ang suggestion niya: limitahan ko raw ang pagcha-charge ng gadgets ko, sa umaga lang daw. Para raw “makahinga ang paligid.”

Tumango na lang ako, kasi minsan mas madaling mag-agree kaysa mag-explain ng science sa taong naniniwalang may schedule ang hangin. Weirdo.

Akala ko tapos na siyang pangaralan ako kasi first time niya yun ginawa saken. Pero nope.
Habang nagluluto ako ng adobo. Normal na pinoy adobo lang toyo, suka, bawang. Bigla siyang pumunta sa pintuan ko dahil naamoy niya daw.

Mabigat daw ang pakiramdam niya. Nalulunod daw ang aura ng niluluto niyang vegan dish. Sabi niya, masyado raw aggressive ang amoy ng toyo at suka at naaapektuhan ang balance ng kusina even though kanya-kanya naman kaming unit.

Ang gusto niya?
Magpaalam muna raw ako bago mag-adobo.
Or magluto lang daw ako kapag wala siya.
Magkatabi lang ang apartment namin. Pader lang ang pagitan. Pero parang pati ulam ko gusto niyang i-filter. Oh my Gosh. Unbelievable na talaga to, anong meron sa kanya.

Nainis na talaga ako sa kanya nung nakita niya akong naka-charge ulit ng laptop habang nagta-type. Sinita niya ako sa pinto, mid-work pa yun. Sabi niya, ramdam na naman daw niya ang pag-init ng energy flow.

Ngumiti na lang ako at sabi ko,
“If my laptop can heat up the whole barangay, siguro hindi na ako employee power plant na ako.”

Isinara ko ang pinto at tinuloy ang trabaho.
At kung may talagang umiinit dito,
hindi ‘yon dahil sa gadgets
kundi dahil may mga taong sobrang bored, nagiging full-time weirdo.

Ngayon, iba na naman ang sinesermonan niya ibang kapitbahay naman. Narinig ko na sinabi niya na ang electric fan ng kapitbahay ay nagdudulot ng “spiritual disturbance” sa altar niya dahil sa hangin. Naiistorbo raw ang mga santo at hindi raw makapagpahinga ang mga kaluluwa tuwing umiikot ang fan ng kapitbahay namin, lalo na sa gabi.

Anong kinalaman ng Santo sa electric fan. My Goodness!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *