ANG SABI NG SINGLE MOM KONG KAPATID AY PARA SA PAGKAIN NG MGA PAMANGKIN KO KAYA PINAHIRAMAN KO SIYA NG 50K, NALAMAN KO NA LANG NA PINANG-HEALING ERA NIYA PALA SA CORON PALAWAN ANG BINIGAY KO…..

ANG SABI NG SINGLE MOM KONG KAPATID AY PARA SA PAGKAIN NG MGA PAMANGKIN KO KAYA PINAHIRAMAN KO SIYA NG 50K, NALAMAN KO NA LANG NA PINANG-HEALING ERA NIYA PALA SA CORON PALAWAN ANG BINIGAY KO…..

Last December ito nangyari but please hide my identity, eksaktong isang linggo bago mag-Pasko, natanggal sa trabaho ang kapatid ko. Walang separation pay dahil nag AWOL siya. Bumisita siya sa condo ko nang hindi nagsasabi at bigla bigla, iyak lang nang iyak. Namumula ang mata, basang manggas ang damit dahil pinupunasan niya ng sipon niya dun.

Paulit-ulit niyang sinasabi saken, “Hindi ko alam kung paano ko papakainin yung mga anak ko. Pahiramin mo muna ako ng 50K, babayaran kita pag may work na ulit ako.” Single Mom yung kapatid ko pero may boyfriend siya now.

I’m a content creator. Hindi naman ako masyadong sikat, pero stable ang kita ko. Alam ko kung gaano kahirap mawalan ng income overnight. Kaya hindi ako nagtanong ng maraming detalye sa Ate ko dahil pamilya ko parin siya.. Hindi ko na inisip kung babayaran niya pa o hindi. I transferred 50,000 right then and there. Ang nasa isip ko lang: mas okay nang ako ang mawalan, kaysa sila ang magutom lalo na ang mga pamangkin ko.

Two weeks later after humiram ng 50k ang Ate ko, habang nag-scroll lang ako, may nakita akong Instagram story.. Sariling post ng Ate ko.
She was in Coron, Palawan. Island hopping. May bangka. May beach resort. May caption pang “Healing Era.”
At doon ako napatigil. Dahil mga post niya sa FB ay mga sad posts at broken heart. Tapos makikita ko sa Insta niya Healing Era sa Coron?!

Two weeks ago, ang sinasabi niya wala raw siyang pambili ng pagkain at mga pamangkin ko.
I called her immediately dahil confused lang.

She answered defensive. Sabi niya, “Libre lang ‘yan ng mga kaibigan na nagyaya.”

Tinanong ko kung libre rin ba ang accommodation, pagkain at tour.
Hindi na siya sumagot. Binaba niya ang tawag ko.
I chose silence. Hanggang sa may nakita ulit akong post niya sa FB at nakabook siya papuntang Siargao.

So I finally messaged her na walang insulto.
“Before you book anything else, pwede mo na bang bayaran yung 50k? Kailangan ko rin. Patravel travel ka nalang samantalang ako pinaghihirapan ang isang piso.”

She exploded. Sinabi niyang sinusumbat ko raw ang pagkawalan niya ng trabaho.
Na dapat regalo na lang daw iyon kung tunay akong kapatid.
That I care more about money than family.

And that’s when I asked myself:
Kailan naging masama ang humingi ng accountability?

Kaya pala ganun umasta ang kapatid ko dahil…Alam pala ng nanay namin ang lahat mula pa sa simula.
Alam niyang hindi sa pangangailangan ng mga pamangkin ko napunta ang pera. Alam niyang umutang ang kapatid ko ng 50K para pangtravel niya sa Palawan. Pero pinili niyang manahimik.
Pinili niyang kampihan ang kapatid ko dahil “mas kawawa raw dahil single mom.”

Ako yung may “kaya” kaya dapat ako daw ang magparaya.
Ako yung hindi pwedeng masaktan kasi “mas okay naman ako.”

Ang ginawa ko lang, nagcomment ako sa FB post niya about sa booking niya sa Siargao.
“Patravel travel lang tapos magbayad ng utang ayaw? Ayusin mo din minsan ang mga anak mo.”

I stopped protecting her image na sa oras na yun. I commented the truth.
She deleted it and she blocked me.
And suddenly, ako ang naging problema at masamang anak.

I’m not heartless. Sometimes, the deepest betrayal doesn’t come from the sibling who took advantage of you
it comes from the parent who knew the truth, and still chose silence.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *