NAKISAWSAW ANG ASAWA KO SA USAPING PAMILYA NAMIN….

NAKISAWSAW ANG ASAWA KO SA USAPING PAMILYA NAMIN….

Tawagin niyo nalang akong Graciela. May asawa at may anak na lalaki na pitong taong gulang na. Pareho kaming nagtatrabaho ng asawa ko sa isang bangko dito sa Davao. Dahil pareho kaming may full-time na trabaho, simula bata pa ang anak namin, ang nanay ko na ang kusang tumulong at nag-alaga sa kanya na walang bayad at walang reklamo.

Dahil malapit lang ang bahay ng mga magulang ko sa bahay namin. Hinahatid muna namin anak namin bago kami pumasok sa trabaho. Hindi lang basta pag-aalaga ang binibigay ng Mama ko, kundi oras, pasensya at pagmamahal yung klase ng alagang hindi kayang tumbasan ng kahit sino.

Mahal na mahal ng anak namin ang lola niya. Palagi siyang masaya kapag iniiwan namin siya at palagi rin siyang masayang umuuwi. Ang swerte ko nga sa Mama ko kahit papaano tumutulong siya samin.

May kapatid akong lalaki na puro problema ang dala, at paulit-ulit itong sinasalo ng mga magulang ko. Ilang beses na siyang nawalan ng trabaho, gumagawa ng biglaang desisyon sa buhay, at ginagastos ang perang wala pa nga pero kampante na may sasalo kapag naubos. Minsan pa nga, humihingi siya ng pera sa mga magulang namin para lang may pang-date sa girlfriend niya, take note trentahin na siya. One time, humihingi ng pera ang kapatid ko dahil gusto niya nang iuwi ang girlfriend niya sa bahay.

Biglang nagbitiw ng komento ang asawa ko tungkol dito na “bakit niyo pa sinasalo ang problema niyan,” at sinabi niya pa na mas paborito nila ang kapatid kong lalaki kesa saken..

Doon sumabog ang galit ng nanay ko. Sinabihan niya kami na, siya ang nagaalaga sa anak naming lalaki araw araw tapos ganito ang isusumbat niyo saken at may karapatan siyang gawin ang kahit ano sa pera niya, kahit ibigay daw ni Mama lahat ng pera niya sa kapatid kong lalaki wala daw karapatan ang asawa ko na makialam.
Kahit ubusin ng kapatid kong lalaki ang pera ni Mama ihian ito o sunugin.

Aminado akong sobra at bastos ang naging reaksyon ng asawa ko dahil sa totoo lang wala naman talaga siyang karapatan makialam samin. Pera yun ni Mama. Be thankful nga dapat ang asawa ko dahil never namin sinahuran si Mama sa pag-aalaga ng anak namin.

Humingi ng tawad ang asawa ko kay Mama pero sinabi niyang hindi niya deserve ang mga words na binato ni Mama sa kanya. Humingi rin ng paumanhin si Mama, pero sinabi nitong nananatili ang punto niya at ayaw na niyang pinapakialaman ang mga desisyong pinansyal niya. Nauwi iyon sa mainit na pagtatalo hanggang sa pinakiusapan kami ni Papa na umuwi nalang.

Habang pauwi kami, mas galit ako sa asawa ko kaysa kay Mama. Pagdating namin sa bahay, sinabi ko sa kanya na siya ang nag-umpisa ng gulo. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan pa niyang makialam sa family problem namin. Alam niyang umaasa kami kay Mama para sa pag-aalaga ng anak namin. Sino ka ba para makialam sa pera ng Mama ko? Hindi mo yun pinaghirapan.

Sinabi pa ng asawa ko na wag na namin ipaalaga kay Mama ang anak namin. At iuwi nalang sa family side niya. Doon ako lalong nainis, apat na oras ang biyahe papunta sa mga inlaws ko at mas kampante ako sa pag-aalaga ni Mama kesa sa iba.. Sinabihan ko siya na kung gusto niya dun umuwi siya mag-isa at wag idamay ang anak namin.

Siya ang nagpasimula ng gulo, at ngayon gusto niyang ako ang mag-adjust para mapagaan ang loob niya. Hindi ako magsisinungaling, hindi ako magbubulag-bulagan, at hindi ko ipagpapalit ang kapakanan ng anak namin para lang protektahan ang ego niya.

Ngayon, sinasabi niyang wala raw akong suporta at kinakampihan ko ang pamilya ko kaysa sa kanya. Pero ang totoo, ako ang nauubusan ng pasensya. Mas pinili niyang ipaglaban ang sama ng loob niya kaysa ang emotional safety ng sarili niyang anak.

Hindi ko pa siya kinakausap ngayon at hiwalay kami ng kwarto.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *