INAMIN NG KAPATID KO NA BUNTIS SIYA AT ANG AMA AY ANG FIANCÉ KO….

INAMIN NG KAPATID KO NA BUNTIS SIYA AT ANG AMA AY ANG FIANCÉ KO….

Hi Ambenture..

My name is Mahal, 31 years old.

Pitong taon kong minahal ang ex fiancé ko na si Jacinto noon. Two months na lang sana bago ang kasal namin.

Naisipan muna naming umuwi sa probinsya para sa isang grand family reunion before ang wedding namin sa Batangas. Kumpleto ang angkan ko na parang piyesta.

May lechon sa gitna ng mesa, may mga batang naghahabulan, may mga tawang ang sarap pakinggan. Everything looked perfect on the surface, like a picture that hasn’t cracked yet.

Habang nagdadasal yung pinsan ko bago kumain, biglang tumayo ang bunso kong kapatid na si Maricel, may hawak na baso. Akala ko magcocongratulate siya samin. Something harmless.

Nagsmile siya samin.

Pagkatapos ng “Amen,” sinabi niya sa buong family:

“I’m pregnant. And the father is Jacinto.”

Syempre sa oras na yun nabigla din ako. Paanong ang fiancé ko e limang beses lang sila nagkita before.

Parang may biglang namatay, pero walang umiiyak.
Tumingin ako kay Jacinto. He couldn’t even look at me. Nakatitig lang siya sa mesa, like a child caught breaking something he can’t afford to fix.

Doon ko nalaman na totoo lahat ng sinabi ng kapatid ko.
Mageexplain na sana si Maricel pero sinabihan ko siya ng shut up.

Ang unang nagsalita ay ang nanay ko. Hindi siya galit kay Maricel. Ang sabi Niya.

“Mahal… intindihin mo na lang ang kapatid mo. Walang kasalanan ang bata, kaya wag mo na sanang idamay..”

Ang ibang kamag-anak ko ay nag-agree kay Mama, na hindi kasalanan ng bata.

Sabi ng pamilya ko, banal daw ang pagpapatawad. Parang pinagkaisahan nila ako.

Ginagamit nila ang ‘inosenteng bata’ para burahin ang ginawa niya.
Parang binuhusan ako ng malamig na tubig dahil ako pa ang kailangang umunawa.

Hindi ako nag-eskandalo dahil iniisip ko parin ang reputasyon nila. Tahimik akong umalis sa bahay.
The next day, tinapos ko ang engagement. Iniwan ko si Jacinto. I walked away like someone leaving a house that already burned down.

Hanggang sa lumipat ako ng lugar at work. Para may peace of mind ako.

Ngayong January nakatanggap ako ng ilang messages and calls galing sa pamilya ko.

At first, “kamusta ka?”

Then, “sana mag-usap na kayo ng kapatid mo.”

Hanggang sa lumabas ang totoong pakay nila.
Gusto raw nilang dumalo ako sa binyag ng anak ng kapatid ko.
Tanggapin ko raw ang role ko bilang tita.
Move on na raw ako. Heal na raw.

Hindi pa nga humihilom ang sugat ko, gusto na nila akong ngumiti sa altar.

Sinabi ko sa kanila:
“I will only attend kung aaminin ninyo, sa lahat ng bisita na dadalo, na mali ang ginawa nina Maricel at Jacinto.”

Silence. Walang pumayag.
They don’t want forgiveness.
They want my silence.

Sinabihan pa nila akong bitter.
Na masyado raw akong galit.
Na pamilya pa rin daw si Maricel.

Ako pa ang naging masama ngayon. Samantalang ako n walang niloko, walang sinaktan pero ako pa ang kailangang mag-adjust.

Kinausap ko ang kapatid ko sa call.
“Hindi kita tutulungan lalo na sa financial problem niyo. At hindi kita hahawakan palabas ng konsensyang dapat mong pasanin. Kung kaya mong sirain ang relasyon ko nang walang takot, kaya mo ring buuin ang buhay mo nang wala ako.”

Yes, it sounds harsh.
But what’s harsher is expecting me to clap
for the very thing that broke me.

Hindi ko sinusumpa ang bata.
But I refuse to pretend that I wasn’t hurt.

Kung tawagin nila akong masama, so be it.
Mas pipiliin ko ang maging masama sa paningin nila
kaysa maging tahimik na saksi
habang ginagawang normal ang pagtataksil.

Boundaries are not cruelty.
They are survival.

Gusto lang nila na nandun ako dahil hihingi sila ng pera saken. Wala naman trabaho ang kapatid ko at minimum wage lang si Jacinto. It’s a perfect match!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *