NAGSISISI AKO NA SIYA ANG NAPANGASAWA KO…

NAGSISISI AKO NA SIYA ANG NAPANGASAWA KO…

Akala ko noon sapat ang salitang pag-ibig hanggang sa dumating ang panahong binalikan ako ng salitang sana.

Lahat ng pangalan o lugar na babanggitin ko ay pinalitan ko para hindi ako makilala.

Please call me W, bunso sa pamilyang kilala sa probinsya hindi dahil sa pulitika kundi dahil sa negosyo. May mall ang pamilya namin sa bayan, may trucking company na nagde-deliver sa kalahati ng rehiyon at may real estate na minana pa sa lolo’t lola ko.

Bata pa lang ako, alam na ng lahat kung ano ang magiging buhay ko.

“Ikaw ang may pinaka-bright na future,” palaging sinasabi sa akin.

Scholar ako sa isang kilalang unibersidad sa Maynila. Full ride. Walang iniisip na tuition, allowance lang. Lahat ng opportunity na saken na sana.

Pero second year college palang ako, nakilala ko si Elion.
Isa siyang delivery driver ng isang maliit na hardware supplier.

May itsura, mabait, laging marunong makinig saken. Hindi siya marunong makipag-usap tungkol sa stocks o contracts, pero alam niya kung paano ako patahanin kapag pagod na pagod na ako.

Sa mundo kong puno ng expectations, siya ang pahinga ko. Niligawan niya ako at ilang buwan ang lumipas sinagot ko siya.

Noong sinabi kong gusto ko ng magpakasal, sa mga magulang ko, para bang bumagsak ang mundo ng pamilya ko.

Sabi ng Daddy ko, “Isang maling desisyon lang ang kailangan para masira ang buong buhay mo.”

Sabi ng nanay ko, “Anak, hindi sapat ang pagmamahal na yan. Pagsisisihan mo yan balang araw.”

Sabi ng mga kapatid ko, “Sayang ka.”

Pero matigas ang ulo ko. Nakipagtanan ako kay Elion noon. 20yrs old palang ako nun. In love ako. Buo ang loob. Umalis ako sa University. Pinakasalan ko si Elion. Lumipat kami sa bayan kung saan siya lumaki.

Doon din tuluyang naputol ang ugnayan ko sa pamilya ko. Dahil hindi na nila ako tinuring na anak.

Hindi kami mayaman ni Elion, pero masaya kami o iyon ang akala ko.

Nagkaroon kami ng limang anak:
Nagtayo si Elion ng maliit na repair at delivery shop. Ako ang nag-aasikaso ng resibo, suppliers at minsan pati pagmamaneho kapag kulang ang tao.

Simple lang ang buhay namin. Walang luho. Pero may hapunan kaming sabay-sabay kumakain at sa gabi, may yakap.

Hanggang sa nagkasakit si Elion.
Unti-unti. Hanggang sa isang araw, hindi na siya makabangon para pumasok.

Isinara na namin ang shop. Naubos ang ipon sa gamot niya. Wala akong degree. Wala akong koneksyon sa family ko. Wala akong matakbuhan.

Ang tumulong sa akin ay hindi ang mga magulang ko kundi ang tiyuhin kong si Tito Hale, kapatid ng nanay ko. Inalok niya akong maging clerk sa isa sa mga stores nila. Walang special treatment. Walang “pamangkin” privilege.

Trabaho lang. Sahod lang.
Samantala, ang mga kapatid at pinsan ko nasa ibang mundo na. May bagong business. May bagong warehouse ang trucking. May mga anak silang nag-aaral sa abroad. May mga birthday na may catering, balloons at photographers.

Ako, nagbibilang ng barya sa grocery. Pinag-iisipan kung alin ang uunahin: kuryente o gatas.

Nang pumanaw si Elion, pakiramdam ko parang sabay-sabay akong nabalo, nawalan ng direksyon at naubusan ng lakas. Mahal ko siya. Hindi ko kailanman pinagsisihan ang pagmamahal ko sa kanya.

Pero pinagsisisihan ko ang mga desisyong ginawa ko nang hindi handa.
Ngayon, kapag nakikita ko ang limang anak ko matatalino, masisipag, nangangarap, pinapangako kong hindi na sila matutulad sakin.

Ayokong maranasan nila ang buhay na puro “sana.”
Tahimik kong inaamin sa sarili ko ang hindi ko kayang sabihin kahit kanino:

Hindi mali ang pagmamahal ko sa asawa ko.
Pero mali ang paniniwala kong sapat na iyon para buuin ang buong buhay ko.

Nagsisisi ako na siya ang pinakasalan ko. Ayaw naman akong tanggapin ng mga magulang ko. Kailangan kong lumaban para sa mga anak ko.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *