HINUSGAHAN NG ISANG PASAHERO ANG KAIBIGAN KO DAHIL SA ANAK NIYA, HINDI NAMIN INEXPECT NA PAPALAG ANG JEEPNEY DRIVER….
Alam kong hindi ideal ang magkaanak nang maaga pero mas mali ang mundong akala may lisensya na manghusga at mangmaliit.
Hi I’m Zim. Second year college student, may kaibigan ako na si Jessica. Sabay kaming nag-enroll sa University na pinapasukan ko. Sabay din kaming natutong mangarap.
Pero siya, mas maaga niyang natutunan kung gaano kabigat ang buhay. Maaga siyang nagkaanak siguro dahil may mga bagay na hindi laging pinaplano ng mundo.
Kahit ganun, hindi niya tinakbuhan ang responsibilidad bilang isang batang ina.
Mas pinili niyang maging full time mom muna at hininto ang pag-aaral niya. Kahapon, bumalik siya sa school para kunin lang ang ilang documents, bilang kaibigan sinamahan ko siya at inalalayan dahil bitbit niya din ang baby niya.
Pagkatapos naming lumabas ng school, dumiretso kami sa jeepney terminal pauwi. Maingay, amoy usok at araw. Habang naghihintay kami ng ibang pasahero sa jeep, biglang umiyak ang baby ni Jessica, iyak na hindi kayang patigilin ng duyan o pacifier. Iyak na gutom.
Inayos lang ni jessica ang sarili niya, tinakpan ang baby, at pina§u§() ito. Parang normal na bagay dahil normal naman talaga.
Hanggang may isang babaeng pasahero ang biglang nagsalita na parang sinadya talagang marinig ng lahat.
“Wala bang GMRC ang mga bata ngayon? Ang bata bata kal4ndian ang inuuna.”
Ramdam ko ang higpit ng hawak ni Jessica sa anak niya. ’yung klaseng hawak na parang sinasabing, “Andito lang si mama.”
Bago pa ako makapagsalita, may boses na nauna. Yung driver namin na pawisan, gusot ang damit.
“Mas may GMRC po ata ’yan kaysa sa nagrereklamo,” sabi niya, walang sigaw, pero tumama.
May ilan na tumango sa sinabi ng driver. May ilan na biglang naging abala sa selpon nila.
Hindi nakasagot yung nanghusga sa kaibigan ko.
Umandar ang jeep na parang walang nangyari.
Ang tunay na asal ay hindi nasusukat sa edad.
Nasusukat ito sa kung sino ang marunong umunawa at kung sino ang sanay lang manghusga.
Para sa jeepney driver na ’yon isang linya lang ang binitawan mo, pero binasag mo ang yabang ng nanghusga at ibinalik ang dignidad ng isang ina. Salamat, kuya. Hindi lahat ng bayani may kapa minsan may manibela lang.
