halos mabaliw ako kakaisip kung sino ang b4b43 ng asawa ko, nasa loob lang pala ng aming bahay, dahil sa,

halos mabaliw ako kakaisip kung sino ang b4b43 ng asawa ko, nasa loob lang pala ng aming bahay, dahil sa,

dear ate vine.
magandang araw sayo, gusto nilang sana mag confess, mabigat na kasi masyado, isa pa, parang walang nakakaintindi sa akin.
ako po si Lita, 35years old, my habby naman ay 39years old, kasal kami, pero wala kaming anak,
ako ang May problema sa amin ng asawa ko, dahil nag pa check up na ako,
pero hindi ko sinasabi sa asawa ko na ako ang May problema,
halos almost 5years narin kaming kasal,
at nakatira kami sa bahay ng mga magulang ko .
ang kasama ko sa bahay ang nanay ko at ang ate ko, na sinundan ko, yung dalawa ko pang kapatid ay May mga asawa narin. at mga nakabukod, Si ate single, kaya kasama namin siya dito,
wala din kasing kasama si mama kung aalis kami, si ate nalang, kaya nakiusap nuon si mama , sa bahay nya kami tumira.
parehas kaming May trabaho ng asawa ko .

si ate naman ay katulong ni nanay sa tindahan, sa tabi lang din ng bahay namin, iyon na talaga ang negosyo ng magulang ko sumulat sapul,
habang lumilipas ang mga taon ,
napapansin ko na parang malamig na si habby sa akin .
lalo na kapag tulog, pag nayayakap ko siya, tatalikuran nya ako
kapag nilambing ko siya, sinasabihan nya ako na pagod siya, gusto nyang mag pahinga,
malimit na na ganun.
hanggang sa kinompronta kona si habby, ano ba ang problema nya sa akin .
mabaho ba ako, May hindi ba sya gusto sa akin. bakit nya ako laging nirerejeck,
sagot nya lang sa akin, wala daw siyang gana, dahil hindi naman daw kami makabuo. at hindi daw iyon pinipilit, hinihintay ang tamang tiyempo ,para makabuo. hindi ako nakaimik, kasi alam ko sa sarili ko, na ako ang May problema,
isang araw, nainis pa ako sa mama ko,
dahil lagi nyang tinanong kung bakit wala pa kaming anak, bilis bilisan daw namin, .at baka hindi na nya maabutan, para din daw mag kakulay ang aming bahay, hindi yung puro sigawan,

kaya mas dumami na nga ang iniisip ko, at hindi kona alam ang dapat kong gawin,
kaya binuhos ko ang oras ko sa trabaho at sa pag travel ko, nag saya ako na kahit ako lang mag isa,
hanggang sa pag uwi ko,
wala ang asawa ko, wala din ang kapatid ko, tinanong ko kay mama kung asan ang asawa ko,
hindi daw nya alam, pero si ate nasa kaibigan daw,
kinabukasan, pag uwi ni ate, kasabay si habby, masaya silang nag uusap papasok ng bahay,. at ng makita ako, ngumiti lang si ate at umalis na,
ang asawa ko, nag sabi lang na ,ohh” dumating na pala ang princessa,
at pumasok na sa aming kwarto,

nasasaktan ako sa kinikilos ng asawa ko,
yung trato nya sa akin ,alam ko na hindi tama,

isang araw ,nag luluto ako ng tanghalian,
lumapit si ate na ang baho daw ng ginigisa ko, sabi kopa, ano ka nag lilihe,?

sabay punta nya ng CR para simuka, nag taka na talaga ako, sabi ko pa kay mama, nako si ate buntis yan sure ako,
sagot ni mama, paano mang yari yon, wala naman boy friend ang ate mo, sa isip ko, oo nga ano? pero baka hindi palang nya naipakilala,

ng mag pa t3st si ate, p0sitiv3 nga, sobrang tuwa ng mama ko, dahil mag Ka karoon nadaw ng bata sa bahay,
at sa ikinagulat ko. sobrang tuwa din ng habby ko. nawalang paglagyan ang saya nya, hindi nya napigilan yakapin ang ate ko sa harap namin ni mama .
kaya sabi ko, sandali, ano ito, ano yang mga reaksyon nyo,
mga nagkatinginan lang ang lahat,
at ng ako ay talagang galit na, saka sila umamin, na mag namamagitan sa kanila,

dahil gustong gusto na daw ni habby nang @n4knak, ang pinaka masakit pa, alam ito ng m4m4 ko, at ng ako ay sobrang nagagalit na, sinabihan ako ng mama kona tumigil,

huwag daw akong mag isk4nd4l0, kapatid ko daw iyon, hindi iba, at mag Karoon na ng saya ang bahay namin,.

ako yung tunay na asawa, ako ang pinakasalan, pero ako ang lumabas na kontrabida, ako ang walang kw3nta,
sobrang s4kit ,hindi ko kayang tanggapin, .
kaya noong araw na iyon. umalis ako,

nag pakalayo layo,.wala akong ginawa. nanahimik ako. pinaubaya ko ang lahat sa kanila. dahil naramdaman ko. kahit anong gawin ko, hindi ako mananalo, dahil kahit ang sarili kong ina, hindi ako pinag laban,

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *